Ang Sangang Daan ng Buhay
PAGSUBOK
Ni Celine Rivera Bianes
Kung Ating iisipin kung Paano ba Sisikat ang araw bukas Ay di natin mahuhulaan,dahil walang sino man ang maaring magbigay ng Konklosyon sa Darating.. Oo, nga tayo ang Gumagawa ng buhay natin at kwento ng ating Buhay. Pero May mga Sangang daan Parin itong dapat natin tahakin , at sa pag tahak natin maraming tinik na naka balakid. pero hindi dahilan ang mga Tinik na ito para di natin marating ang ating mga pinapangarap.
Kung ating aalamin ang Bawat yugto ng bawat isa sa atin may mga bagay tayo na hindi pa natin natutuklasan at ito yung dahilan kung bakit agad tayo sumusuko sa ating mga pangarap. Alam ba natin na ang buhay magng puno man ito ng sangang Daan maari itong maging bahagi upang tayo ay mamili kung anu ang ating buhay na nais tahakin.
May Mga Sangang daan ng Buhay na marupok , daan na mabato o lubaklubak, may daan naman na singkinis ng ating nakikitang sahig na pwede natin higaan pero anu man ang kinis nito maaring ito maging dahilan upang madulas tayo.. Ang Mabatong Daan ay ang buhay na maraming pag subok, pagsubok na syang nagigng dahilan upang tayo ay sumuko at kalimutan natin ang tapang at paglaban para sa bukas natin. Dahil sa Mabato ito lubaklubak ito at puno tayo ng Galos. dahilan upang di tayo makahakbang. Pero Kung masisilayan natin ang liwanag at matiimtim tayo nanalig na kaya natin ito malalampasan natin ang Lubaklubak na sangang Daan ng ating buhay.. Mas mapalad daw ang taong nag dadaan muna ng Hirap bago maging matagumpay dahil kaya mo bumagsak anu mang oras.
Pero ang mga Taong Nabuhay sa Kakinisan ng daan , di dumaan sa hirap , di nakaranas ng gutom , sila yung kadalasang pag bumagsak ay nagiging ganid sa kasamaan at nagiging Makasarili.pag sila ang Lumagpak ni kailan man di yan matoto bumangon bagkus magiging Lampa ito habang buhay.
Kung Naka punood ka sa Kasaysayan ni Chona Na Isang OFW sa Barcelona , Na Naging Abogada Ma-aantig ang puso mo at baka sabihin mo Mas masarap mangarap at mag patuloy sa buhay na nais at pinapangarap natin.
Nangarap si chona na maiahon ang pamilya sa hirap, Gusto nya mabigyan ng magandang bukas ang Kanyang mga Pamankin at mga anak at Kamag-anak . Kaya nangarap sya pumunta sa Ibang Bansa Sa espanya. Sa Barcelona Ay naging Illegal Worker sya, Ibig sabihin wala syang Working vesa Kundi ang Dala Nyang Vesa ay Tourist Vesa Lamang. Pero Nilakasan nya ang Kanyang Loob Dahil may pangarap Sya Para sa Pamilya. Naisangla man ang Lupat Bahay nila , Nasisiman sya ng tsahin nya Nag sumikap at nag tiyaga si Chona Matupad lang ang Pangako sa Mga Kamag Anak.
Dahil sa mabuting ipanamlas ni Chona Sa mga Amo naging mapagpala ang diyos sa Kanya. kinuha si chona ng pamlya ng amo nya na maging tauhan sa Kompanya nila. at dahil sa nakitaan sya nang higit na kasipagan ng Boss at dahil narin sa mabuting loob ni Chona sa Mga ka trabaho, napansin ito ng Boss at binigyan sya ng pagkakataon na makapag aral bilang abogada.
Sa Una nahihirapan man at nais nang sumuko ni Chona dahil sa lingwahi ng Catalan, dahil sa isang inspiring na mensahe ng boss dun nya naging tulay ito upang maipagpatuloy ang kanyang pangarap sa buhay, itinuloy ni chona ang pagiging Abogada at naging isa nga syang ganap na Abogada. Hindi naging Balakid ang hirap at Edad Nito.. Kundi naging isang inspirasyon sa buhay.
Pinag Pala sya ng diyos dahil sa Mabuti nyang intensyon sa buhay..
Si Chona ay isang huwarang abogada .. sya ay isang kahanga hangang Tao.. Naging Abogada sya hindi dahil sa Pera kundi dahil sa Maraming Pilipino sa Barcelona Na Kailngan Ng Isang tulad nya.. Sana Lahat ng Tao o abogado ay katulad ni ATTY. CHONA na may puso at malinis ang intensyon para sa mas nakararami.
Nawa masilip ang tunay Na Bayani na Katulad Ni Atty. Chona .. Sana Mas Maging Bahagi sya ng Kasaysayan ng Pilipinas Upang maging pamantayan ito ng mga taong may Pangarap at nais Tumahak sa buhay na maayos pag dating ng araw.
Isa Ang Kasaysayan ni Atty. Chona Sa Mga katangi-tangi ng Ating Bansa ..
Isa Ito na Simpling Panuntunan na anu man ang Hitsura ng Daan na Tinatahaak natin , malubak man ito ang importante alam natin kung anu ang Tama na Hakbang para Dito
nawa maging isang Mabuting Bahagi ng Kasaysayan si Atty. CHONA..
Tandaan po natin anu mang hirap at anu mang pasakit na dumaan sa buhay nating lagi natin isipin na ang buhay ay puno ng pag-asa ..
wag lang kakalimutan ang tumawag sa panginoon at laging bukas ang pinto para sa lahat.. para sa sino man.
BUHAY OFW
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento